pagpapakatao | Financial Literacy | Teachers
Naging palaisipan sa kanya ang mga tambak ng lumang dyaryo, tanso, sirang gamit na yari sa aluminyo, at plastik. Napagalaman niyang ang mga ito ay hindi lang basta basura kundi mapagkakakitaan din. Sa simula ay namumulot si Vergel ng mga plastik, mga sirang gamit na yari sa tanso o aluminyo, at mga pira-pirasong lata at dinadala kay Lao Chung upang ipagbili.