Presyo ng prutas, paputok nagtaasan na 1 araw bago ang bisperas …
Tila one-stop shop kasi ang mga compound sa Barangay Tubo, Bocaue, Bulacan na dinarayo pa ng mga galing Zambales, Baguio, Ilocos, at Cavite para sa mga tindang paputok. Kahit tumaas nang hanggang 30 porsiyento ang presyo ng mga ito ay mabili pa rin dahil bukod sa tradisyon na ay mas masaya umanong salubungin ang Bagong Taon kapag maingay at makulay.